Wednesday, April 26, 2006
pano mo sasabihin na ang isang fairy tale hindi mageend happily ever after?
masasabi mo na napakagaling naman ni god at ung pinili niang person para sayo e wala ka nang hahanapin pa. akala mo sya na talaga ung pinapaniwalaan mong taong pinanganak para makatuluyan mo.
e pano pag nalaman mong hindi pala?
at maghahanap ka sa phonebook mo ng pede mong tawagan para iyakan. pero wala ka din namang makita na makakaintindi sayo. meron siguro. pero busy sila sa buhay nila na masaya.
pano na? mas nakakaiyak ung ganun noh? wala kang mapaglabasan. parang napakahelpless mo. tapos lahat ng sakit nakatago lang sa loob mo. na kahit anong gawin mong iyak, hindi mawawala. mahirap pa nun, kelangan mo pang itago kasi baka asarin ka ng kapatid mo.
tapos ung taong akala mo sya na magpapaligaya sayo habang buhay walang pakialam. wala syang idea sa sobrang sakit na nararamdaman mo. syempre kasi wala syang pakialam. dun mo makikita na hindi ka pala importante sa kanya.
badtrip ung ganun noh? akalain mong magiintay ka ng isang buong araw, mula sa 10am na paggising mo, tapos 5pm na hindi pa rin umuuwi. umaasa ka na maguusap kayo o tatawagan ka nya pero habang tinitingnan mo umikot ung mga kamay ng orasan, wala man lang tawag. walang txt. kasi wala ngang pakialam. hanggang sa anong petsa na, di mo alam, wala ka ng halaga sa kanya.
tapos maaawa ka na naman sa sarili mo. iisipin mo bakit ikaw ganito ang nararamdaman, samantalang sya nagpapasaya.
siguro hindi lang din lahat ng fairytale masaya ang ending. ginagawa lang ng author na and they lived happily ever after ang huli para hindi sayang ang istorya.
********
you expect so much from people because you give a lot of yourself.. but not everybody can love back the way you do..
[salamat po sa pagbasa ng sinulat ko]