Monday, April 03, 2006
nabitin ako sa ulan. sabi ko bakit sandali lang? bakit hindi pedeng palagi na lang para hindi ako maiinitan. tapos sabi saken..marami kasing dahilan bakit hindi pedeng anjan palagi ang ulan..
..unang una, hindi lahat ng tao gusto ng ulan. maraming maaabala pag umuulan. hindi mo pedeng isipin ang sarili mo lang..
..pangalawa, minsan kasi, pagka parating umuulan, nagrereklamo ka kasi hindi mo maenjoy ang ginagawa mo. may mga bagay at panahon na mas maganda kung walang ulan. para mas magawa mo ang gusto mo.
..pangatlo, pag anjan ang ulan, at alam mong hindi sya mawawala, baka matake for granted mo sya. palibhasa iisipin mo anjan lang naman sya.
..at in relation with number three, hindi mo na sya maaappreciate. kasi anjan na sya. hindi ka na ulit maeexcite sa pagdating nya. hindi kna matutuwa sa lamig na binibigay nya. kasi sanay ka na.
..panglima, mawawalan ng balance..init at lamig..at kahit pano, may mga advantage naman ang araw, ung vitamin d sa umaga, at.. kelangan ng mga halaman ng sunlight para mabuhay.
..at syempre, hindi pedeng anjan parati ang ulan. kasi hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.
********
nagulam kami ng tilapia na may maalat na itlog at kamatis.
naalala ko ang bulacan. namiss ko tuloy sila bigla.
naisip ko. buti pa sila magkakatxt. ako di nila tintxt. kasi bka pag nagtxt sila ng other network, mawala ung unlimited nila. hehe. ok lang.
********
sabi ng nanay ko habang tinitingnan nia ung kakadevelop na pictures nung graduation..
..anlaki laki naman ng braso mo! [hindi totoo yan!]
..tingnan mo nga ung muka ni tin..kalahati ng muka mo! [mas lalong hindi kapani paniwala yan!]
..tingnan mo! labas pa ung tyan mo. sana kung hindi malaki! [kakakain ko lang nung kinuha yang picture na yan!]
mabait ang nanay ko saken e. hindi kasi sya sanay manlait. kaya ganyan.
********
ung likod? oo.. likod ko yan.. *wink*
[salamat po sa pagbasa ng sinulat ko]