Sunday, April 30, 2006
19 days. masaya ako khapon. kasi nakita kita. kumakaway. di ko na naman mapigilan ung ngiti ko. ung gwardiya, napangiti nung nakitang nakangiti ako. nayakap na naman kita. nahawakan ang kamay mo. sa halos labindalawang oras na kasama kita, humihiling pa ko na sana madagdagan pa ng oras ang pagsasama natin. ayoko ng maghiwalay. kasi di ko alam kelan kita makikita ulet.
naglakad kahit mainit. pero masaya. kahit wala tayong napala sa paglalakad ayus lang. basta kasama kita. nanood tayo ng nba. at tuwang tuwa tayo pagka time out. nagusap tungkol sating dalawa.
luminaw ang lahat. sana. kelan kaya kita ulit makikita?
masaya ako kasi pinasaya mo ko ng todo. sana ikaw din napasaya ko.
********
AMAZING RACE
galit na galit ako dun sa dalawang lalaki. napakayabang amp! at dun sa monica at joseph. badtrip. napakasama nilang tao. hindi sila marunong tumulong sa kapwa. ewan ko bakit nila tinitingnan ang lahat as competition. naalala ko, nung nanalo si chip and kim sa isang amazing race, galit na galit din ako kasi kasamaan din ung pinairal nila. masyadong competitve amp! badtrip.
ang maskait pa nito.. after ko panoorin lahat.. sa finale nasa ilocos ako. good luck naman db? sana may studio 23 dun.
********
NBA
kung ano ang kinasaya ko sa game 2, un ang kinasakit ng loob ko sa game 3. panalo na ang spurs e. 3-0 na. badtrip. kaso hindi pa nangyari. nung naka 3pts si finley solve na ko. lalo pa nung posession ulet ng spurs dahil outside ung bola. 27 secondS? panalo na talaga e. nakangiti na ako. hindi ko alam bakit naagawan ang aking ginobili.. at di ko alam bakit napkaswerteng pumasok ang tira ni martin. un ung sinasabing kisapmata e. sa isang kisapmata, nawala lahat..
syempre masaya si iman. panalo sya. nagmukmok na lang ako dun. gusto ko pa nga umiyak kasi ambigat sa loob ko.
eto sabi ni iman saken.. words of wisdom. =)
"alam mo honey ko, gusto ko din namang mag 3-0. kaso, kelangan din maranasan ng spurs na matalo. para sa susunod, pagbubutihin na nila. hindi na nila hahayaan na maulit na matalo sila. at least alam nila kung san sila nagkamali at hindi na nila uulitin yun. sa game 4, mas gagawa sila, magwowork harder pra manalo kasi dahil sa pagkatalo nila ng game 3, nalaman nila na hindi lang ganun kadali lahat ng bagay."
[salamat po sa pagbasa ng sinulat ko]