Monday, March 27, 2006
natapos na ang gradutaion.
simple. long. boring.
sa wakas.
fulfilling. masaya. malungkot. mabilis.
nakakadismaya lang kasi hindi ko pinagbuti ang pagaaral ko sayang
nameet na ng family ko si iman. isang bagsakan. lahat ng kapamilya. ndi pala sya nakakakaba. natouch naman ako sa mga tito at tia ko kasi pinafeel nila na welcome si iman sa family.
nakakailang lang si mama kasi hindi naman ako sanay na magcocomment sya tungkol sa lovelife ko.
andami nia lang tanong. tapos bago pa umuwi si iman..kinausap pa nia..may tiwala ako sa yo blah blah..
si papa tahimik lang. ansarap asarin kasi inaasar nia si iman.
pero masaya. kasi tanggap cia.
at in fairness, papa pa ni iman ang naghatid sa kanya sa picc nung graduation ko.
feeling ko ikakasal na ko. [yaaaak]
natouch naman ako sa mga bumati at nagcongrats. maraming salamat pala.
siguro di muna ako magtatrabaho. masyadong marmaing kaganapan ngayong summer at ayokong mamiss ung mga yun.
oo nga pala.. naaadik ako sa nai cha [tama ba?] ng chowking.
at napapansin ko ang taba taba ko sa pictures.
at speaking of pictures, natouch din ako sa roommates ko sa dorm dahil binigyan nila ako ng scrap book. aaaww.
at eto ikukwento ko na.
naging friends kami ni jeffrey ng kulang kulang isang bwan. masaya. kasi kahit pano, naging magkaibigan kami. pero alam ko, na kahit pumayag si iman, masakit para sa kanya yun. kaya kahapon tinxt ko si jeff na di na kami maguusap kahit kelan. labag man sa loob ko, pero un ung tamang gawin. tumawag si jeff kaninang hapon, tinatanong nia kung sigurado na daw ba ako. naiinis daw sya saken kasi kala daw nia sincere ako. nagtake daw sya ng chance na baka sakali maging ok kami. tapos ganito lang ang gagawin ko. may mga moments na alam kong pinagbabago nia isip ko. pero dumating din sa point na binaba na namen ang telepono. un ay nung matapos kong sabihin na 100% sure ako na ayoko na makipagusap sa kanya. kahit na alam ko at alam nia na deep inside hindi totoo un. kaya natamaan ako post ni basilisk. feeling ko nang aabandona ako ng kaibigan.
mahal ko si iman. hindi ko kayang irisk na mawala siya.
so un na nga. bakasyon na kaya tataba ulet ako. koneksyon sa kwento ko noh?
at nakadisplay na sa kwarto lahat ng pictures namen ni iman at lahat ng binigay nia saken. at nilagay ni mama sa vase at dinisplay nia sa sala ung roses na binigay saken ni iman nung graduation. in fairness dalawang dosena yun.
so un.
masaya.
[salamat po sa pagbasa ng sinulat ko]