Saturday, March 11, 2006
goodluck sa haba..
..naalala mo ba sa may kenny rogers? ewan ko ba ano ginawa mo sa bathroom dun. tapos nagaway pa tayo. pero tingnan mo naman. sobrang ok na tayo ngaun. kasama kita sa paglabas at pagkain pag di naten makayanan ang etar at spanish. ung lahat ng experiments naten sa laht ng chemistry naalala mo?
..e ikaw? ung nagovernight tayo? tapos may mumu. tumalon ako kasi natatakot ako. di ko naman alam bakit ka nadulas.hahaha.natatawa pa din ako pag naaalala ko yun. pati ung mga paguusap naten. marami rin ako natutunan sayo lamo ba un? hahaha. di bale. di ko malilimutan ung taong mahal mo.
..e ikaw? ewan ko lang kung malimutan mo ko jan. hmmm isa ako sa naging daan ng kasayahan mo. haha. lahat ng kwentuhan naten sa mga boyfriend. at di ko malilimutan na nagbreak kami ni jeff at nagbreak din kayo ni greg. hehehe. salamat sa mga pakikinig mo sa kwento ko kahit nasasabihan na tayo na chismosa ng mga prof.. nagenjoy ka naman ba?
..ay nako. ikaw ang una kong naging kaibigan. salamat at nilapitan mo ko nun. di ko alam san ako pupunta. at salamat at hanggang ngayon di mo pa din ako binibitawan. naalala mo ba nung first day may inaway tayo agad? hahaha. iba ka tlga. at ung mga kwentuhan naten..sa dorm.. sa paglalakad papuntang espanya..ung pagyayaya na kumain sa morayta..pero may wendy's naman sa dapitan..e ung mga pagtatanggol mo saken naalala mo pa ba? alam mo ba kung gano ako kathankful dun?
..eto siguro di mo na naalala to. diba nasnatch ung fone ko? tapos wala ako magamit. tapos pinahiram mo saken ung extra fone mo hanggang sa makabili ako ng bago. salamat dun ha. kahit ayaw mo ipaarbor ung keychain mo. hehehe. magskirt ka sana palagi kasi bagay naman sayo. =)
..ay ikaw. di tayo ganun nakapaginteract noh? pagka may mga projects lang. naging mabuting groupmate naman ba ako sayo? sensha na ha. pero naalala mo nung first year tayo? sa zoo lab.diba tayo magkalikod dun? lagi tayo nagtatawanan at lagi kami nanghihiram sa inyo ng gamit. at may mga times na magkasabay tayo maglakad pa-espanya. maikli pa nga hair mo nun e. sayang kasi di natuloy na maging close tayo.pero naalala mo pa ba un?
..ay nako..at ikaw. alam mo ba kung gano ako nagpapasalamat sayo?sa suporta na pinakita mo samen sa thesis. tsaka sa pagprint mo ng pics namen. kung di dahil sayo, wala ako mareregalo. alam ko napakadami kong favors na nahingi sayo. sana alam mo na naaappreciate ko lahat ng tulong mo. salamat talaga. naaalala mo naman siguro ung mga chismisan naten db? alam mo mamimiss ko yun.
..hmmmm..ikaw naman kasi e.. ewan ko kung ano ang ginawa mo sa sarili mo. ok ka naman dati. sana may natutunan ka mula samen. tsaka di ko din malilimutan na magkatabi tayo sa bed sa practicum sa laguna. =)
..hehehe..naalala ko tuloy ung ethics naten? ikaw naalala mo yun? siguro isa na yun sa mga pinakamasayang project na nagawa ko. sobrang tawa lang ako ng tawa. at yung panahon na nagsasubmit tayo ng resume s ajob fair. sayang dahil di din tayo nabigyan ng chance na magkasama talaga noh?
..ay nako..ang taong masarap yakapin. naalala mo ng mga first month naten sa uste? diba tayo ung magkakasama nun? lagi nio pa gusto mauna umakyat kahit may 20 minutes pa na break. tsaka nung nagpadrawing ako sayo. hehe. galing mo din kasi magdrawing. tsaka nung retreat nung nagpicture picture tayo sa kama nio. ehehe. ampanget tlga ng itsura ko dun. e nung napagalitan tayo ni sir buji? kasi maingay tayo nung mga panahon yun. la lang. tsaka alam mo ang di ko malilimutan? ung face mo at pano mo ko napapangiti basta marinig ko lang yung tawa mo at makita ko lang ang ngiti mo. gusto ko ganun din ako. laging masaya.
..hahahaha.ikaw. ang atong walang bilib saken. malas dahil ako lagi nakakagrupo mo. naalala mo pa ba nung 1st year?nabura lahat ng gawa namen ni jenny. tapos txt mo kami sabi mo ipagdadasal mo na lang. hehe. tsaka ung alcoholism naten. ung naginterview tayo ng mga lasing. basta marami na din tayo napagsamahan pagdating sa mga schoolwork e. pero lamo? isa sa mga di ko malilimutan? ung mga pangaasar mo at pangungurot mo at yung pagtambay ko sa apartment nio. lalo na yung bonding naten dito sabahay.salamat sa paginspire saken.
..ang ever generous. salamat sa pagiging generous mo. kahit sa badminton at christmas parties lang tayo nagkakasama, mamimiss ko din at di ko malilimutan ung mga panahong yun. at ang mga picture picture naten. may mga solo na pic ka nga saken e. ay! naalala mo pa ba? english nun e. tapos nagkukwentuhan tayo. tungkol sa love. hehe. at alam mo? kahit ano gawin ko, di ko magegets ung nasa isang blog mo. hehehe.
..ang magaling sumayaw. naalala mo nung tinatawag kita? tapos dineadma mo lang ako. kasi nagaaral ka. sorry na. sasabihin ko lang naman sayo na wag mo ko tanungin ng limitations sa report ko e. di ko malilimutan ung mga sinasabi mo kay carla bago mag pgc. kay carla mo sinasabi pero maaalala ko un. kasi halos magkatapat lang tyao. naririnig ko din kasi. hehehe..
..ikaw. alam mo thankful ako kasi nabigyan ako ng chance na makilala ka at makasama ka. naalala mo ung mga kwentuhan naten pag naglalakad tayo pauwi? may time pa nga na inabot na tayo ng dilim kasi umupo muna tayo kasi dami naten kwento. tsaka nung nakiovernight kami sa inyo. naalala mo pa ba na may mga similarities ung mga ex naten? hehehe. madami din ako natutunan sayo. mamimiss ko din ung mga masarap mong luto..
..ay ikaw. naalala mo ung kwentuhan naten nung practicum? sa labas? nakahiga ka pa nga saken nun e. parang un lang ata ung kwentuhan naten na mahaba na tayong dalawa. sorry kasi di tayo naging close mashado. di bale sikreto lang ung nahuli ko sayo. salamat sa pagshare ha..
..uy! naalala mo lagi ako nagpapaburn sayo? salamat ha. at least dami mo remembrance saken. naalala mo din nung inasikaso naten ung endorsement letter na yun? badtrip un noh? pinahirapan pa tayo. pede naman pala talagang ipaxerox. tsaka ung pagpunta naten sa makati. hehehe.at ung bonding naten sa bus nung retreat. salamat ha. pinasaya mo ko.
..naalala ko pa. ang alive mo nung simula. lahat binabati mo. kaya ka nga naging president. sayang lang kasi parang hindi natuloy ung nasimulan naten nun. diba tayo tayo ung magkakasama nun? sayang.
..pano ba kita malilimutan? siguro di mo din malilimutan ung mga panahong gumagawa tayo sa bahay nio at nagoovernight kami jan. salamat sa pagasikaso at pagpapahiram mo ng room mo. tsaka naalala mo ung heart to heart talk naten sa room mo? di ko alam kung nakatulong ako sayo nun. pero salamat kasi nagopen up ka. alam mo magiging magaling ka na lawyer or judge. kitang kita naman.
..naalala mo ba tuwing industrial psych? diba lagi kita kinukulit. nagkukwento ako tapos nanghihingi ako ng advice. hehe. salamat sa panahon mo ha. tsaka sa pagsama saken nung papunta tayo ng christmas party. salamat. di bale. makakaya mo ang med. sana wag mo palagpasin. kahit pano mamimiss ko din ung mga pagkontra mo saken.
..sayang din kasi di tayo gano nakapagbonding noh? pero sana naaalala mo pa na tumabay tayo sa laabs ng condo mo after badminton. nagyosi at nagkwentuhan tayo nun. hanggang hapon. at kung ano ano lang napagkwentuhan naten. la lang. naalala ko lang yun. at yung pagpapagamit mo ng condo mo para sa ethics namen. salamt.
..ang dormmate ko. nagulat pa nga ako kasi nakita kita sa dorm. naaalala mo pa ba lahat ng pagsasabay naten pauwi, lunch man o uwian? ung mga reklamo naten naaalala mo pa ba? salamat pala sa suporta mo sa thesis at sa pagpapahiram ng laptop. salamat.
..ikaw din. salamat sa suporta mo at sa laptop. di man tayo nabigyan ng chance na maging close, salamat pa rin sa mga small conversations. naalala mo pagka experimental lec? lagi tayo bored sa table. hinihiram ko na lang fone mo at nakikibasa ng quotes. sana ingatan mo ung bigay ko sayo na lalagyan ng fone. kaw kasi naalala ko nung una ko nakita un.
..hay. ang matigas ang ulo. pero ok lang yan. kaya mo naman db? haha. di man tayo nagbabonding, sana wag mo malimutan ung one time na nakasama kita magpalipas ng oras. ung sa mcdo? ung pinagtatanggol pa kita kay esdi tapos un pala pagtitripan mo lang din pala kami. hmmmp. ay naalala mo pala nung nawawala ung id mo? tapos sabi ko asa bulsa ng bag mo? tapos andun nga. galing ko noh. hehehe. la lang. pero mamimiss nga kita.
..salamt din sayo ha. ung tungkol dun sa thesis. naalala mo? na dapat proctor tayo. tapos ginawa lang tayong supervisor?! hehe. la lang. di siguro ganun kasaya yun kung iba kasama ko. salamat. pati pala sa pagpapahiram mo ng fone mo at pageemail ng mga pics. salamat.
..ay ikaw. alam mo ba masaya ako pag nagkkwentuhan tayo. gusto ko lagi magshare sayo. di ko malilimutan ung way ng pakikitungo mo saken everytime. na parang tanggap mo ko kahit sino ko. salamat dun ha. pati sa mga projects na pinagsamahan naten. salamat. sa pagsabi mo na pede ako magapply sa TDG for practicum. naalala mo pa ba nung namili tayo ng damit mo for psych party? ung sa whoops? hehe. la lang.
..ay nko.lamo ba tawa mo pa lang natatawa na ko? naalala mo pa ba nung nagovernight kayo dito? di ko malilimutan ung mga kwentuhan naten nun. at least nabigyan ako ng chance na makasama ka at makausap. e yung mga yosi break naten naaalala mo pa? salamat din pala sa suporta mo sa thesis ha.
..ang pinakabata. salamat sa copy na binigay mo sakn. di man tayo nkakapagusap ng madalas. salamat sa pagpapahiram mo ng laptop ha. at di ko malilimutan ung prayer mo before magdefense.
..naalala mo nung sumemr ng trigo? close tayo nun db? pati nung araw bago mag nov12? ay in fairness napagod ako. hehehe.. mamimiss ko din mga chismisan naten at ang mga pagshare mo ng stories mo saken. pati ung paglagay ng blush on. ikaw nagturo saken nun. hehehe.
..ang napakaselfless kong kaibigan. salamat sa pakikinig mo saken sa mga kwento ko ha. naalala mo pa ba lahat ng food trip naten nung 3rd year? parang ansarap kumain pag kayo kasama ko. pati nung tabi tayo nagslip nung christmas party naalala mo? at nung nagovernyt ka dito. naintindihan ko naman bakit di ka sumama nung gabi na. sayang. pero di bale. mabait ka nga daw sabi ni mama. sabi ko pa sobra..mamimiss kita..
..naalala mo ba nung magkausap tayo sa lobby ng lib? sabi ko nakakalungkot kasi parang bitin. nabibitin ako sa panahon na naging ok tayo. di ko malilimutan lahat ng paguusap nten. dami ko narirealize sayo. naalala mo nung magkausap tayo sa bench? e ung iced tea incident? natatawa pa din ako pagka naiisip ko un. ang labo lng ng pangyayari. isa ka pa. mamimiss kita..
..naalala mo nung rizal? nakakasama lang kasi kita pagka may groupings. di ko din alam kung naging ok ako na kagrupo. di ko malilimutan ung retreat. tapos andun tayo sa taas na bed. tapos nagpicture picture tayo. at ung mga pagtabi mo saken tapos magkwekwentuhan tayo. ung isa tungkol sa boyfriends. ung isa tungkol sa pagpapapayat. hehehe. mamimiss kita.
..naalala mo ba nung first day? nilapitan kita. tinanong ko san ang cal2. tapos dineadma mo lang ako. tapos naalala ko pa ung face mo nung nagpowder pa kami ni laura. hehe. at ung drive papuntang morayta. kahit ung mga kurot mo. napakagaling mo na presidente lam mo ba un?
..naalala mo ba ung thesis? nung nagsisit ups ako? hehe la lang. la din tayo ganu interaction maliban dun noh? basta naalala ko na sinabihan ktia na bagay sayo ang kalbo.
..naalala mo nung lumakad tayo sa makati kasi magpapasa tayo ng resume sa hbc? hehehe. tapos kumain tayo sa kfc pagtapos. at yung ethics naten. masaya yun. salamat sa mga reviewer na ineemail mo ha. kahit hindi rin tayo gano nagbonding. mamimiss din kita..
..eto..naalala mo pa ba na binigyan mo ko ng lyrics ng only love? siguro ndi na. first year pa yun e. tsaka nung debut mo. hehe. lamo ba debut mo lang ang napuntahan ko sa block naten? tsaka ung mga thesis moments naten. grabe ang hirap dun. sana wag mo din malimutan un..
..uy. naalala mo nung test con? nung nainis ka samen ni jaycee kasi pinipilit namen na ikaw ang kumausap sa guidance councelor? hehe. sorry na. tsaka ung pagtambay naten sa apartment nio? naalala mo? salamat kasi naging mabait ka saken kahit di tayo ganong close.
..ikaw din. sexy mo tlga. di rin tayo naging close. kahit nga magkagrupo sa kahit saan, di kita naging kagrupo. sayang kasi wala tayo chance. pero di ko malilimutan ung bonding naten once sa labas ng condo. at ung mga kwento mo.
di ko alam kung may nalimutan ako. pasensya na.
pero iisa lang naman lahat yan.
salamat sa mga panahong nakasama ko kayo.
at kung ano man ang napagsamahan naten. di ko malilimutan.
you can't have happiness without a friend.. they make your life complete :: so true.
[salamat po sa pagbasa ng sinulat ko]